CSC, binalaan ang mga empelyado ng gobyerno na umiwas sa partisan activities

Nagbabala ang Civil Service Commission (CSC) na magpapataw ito ng parusa laban sa mga empelyado ng gobyerno na mahuhuling nakikisali sa partisan political activites.

Ipinunto ni CSC Commissioner Aileen Lizada ang Joint Circular 001, na binuo ng CSC at ng Commission on Elections noong 2016 upang protektahan ang mga opisyal at empelyado ng civil service at ng armed forces mula sa pamumulitika.

Nakiusap naman si Lizada sa mga empelyado ng gobyerno na ipaubaya na lamang ang panahon ng eleksyon sa mga politiko.

Base sa circular ay pwedeng mapatawan ang mga guilty na lumahok sa partisan political activities ng one month and one day suspension hanggang six months para sa first offense.

Maari naman masibak sa tungkulin ang mga empleyado bilang parusa sa second offense.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *