Cybercrime cases na naitala ng PNP, umabot sa higit 16,000

Nakapagtala ang Philippine National Police (PNP) ng 16,297 cybercrime cases mula Enero hanggang Agosto ngayong taon.

Ito ay sa gitna ng pagpapatuloy ng pagsugpo sa tumataas na bilang ng insidente online na napatunayang mas naging mahirap pa dahil sa paggamit ng anonymous accounts.

Ayon kay PNP Anti-Cybercrime Group (ACG) Director Police Brigadier General Sidney S. Hernia, mayroong shift sa cybercrime trend sa mga nakalipas na mga taon dahil ginagamit na ng mga cybercriminals ang teknolohiya gaya ng non-fungible tokens (NFTs), cryptocurrencies, at online casinos para gumawa ng krimen gaya online scam.

Sa unang 8 buwan ng taon, naaresto ng PNP-ACG ang 397 mga 397 cybercrime suspects at naka-rescue ng 4,092 victims, kung saan karamihan sa mga ito ay nailigtas dahil sa trafficking-related operations.

Maliban sa mga ito, nakapag-serve na rin ang PNP-PCG ng 19 search warrants at 214 arrest warrants; nakapagsagawa ng 140 entrapment operations; at nakapagbigay ng technical assistance sa 24 ongoing cybercrime investigations.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *