Mas murang bigas, magiging available na ngayong araw sa Kadiwa store ng Bilibid

Magsisimula na ngayong araw at sa mga susunod pang weekend ang pagbebenta ng well-milled rice sa Kadiwa store ng New Bilibid Prison (NBP) sa Muntinlupa City.

Mas mababa ito ng piso kaysa sa P45 kada-kilo na price cap na ipinatutupad ng pamahalaan.

Ayon sa Bureau of Corrections (BuCor), maliban sa bigas ay available din ang ilang commodities gaya ng mga gulay mula sa argo products ng NBP na itinanim ng mga persons deprived of liberty, karne ng manok, baboy, isda, itlog coconut oil, sibuyas, bawang, saging at iba pa.

Mababatid na ang Kadiwa ay isang marketing initiative ng DA na naglalayong palakasin ang farming community sa pamamagitan ng direkta at effective na farm-to-consumer food supply chain.

Matatandaang una nang inanunsyo ng BuCor na ang 10 ektaryang lupa sa loob ng reservation ng Iwahig Prison and Penal Farm (IPPF) sa Palawan ay nataniman na ng rice seedlings.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *