DA, iginiit na posible pang madagdagan ang 92% na suplay ng bigas ngayong taon

Iginiit ni Department of Agriculture (DA) Secretary William Dar na posible pang madagdagan ang 92% na suplay ng bigas ngayong taon.   

Aniya, tinitiyak nila na sasapat ito para sa lahat ng mamamayan sa bansa.

Ayon pa kay Dar, marami silang ginagawang rice supply scenarios kabilang na ang forecasting upang magkaroon ng mas klarong projection sa rice stock inventory.

Samantala, inihayag ng kalihim na iinspeksyunin nila ang mga bodega ng mga rice trader upang maiwasang makontrol ng mga negosyante ang presyo ng bigas sa Pilipinas. (ARGIE ERGINA)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *