Dagdag na buwis sa mga bilyonaryo sa bansa, isinusulong

Isinusulong ngayon ng ilang mambabatas ang pagpapataw ng dagdag na buwis sa mga bilyonaryo sa Pilipinas.

Sa inihaing House Bill No. 10253 o “Super Rich Tax Act of 2021,”, nais ng anim na mga mambabatas ng Bayan Muna, Gabriela, ACT Teachers at Kabataan na dagdagan ang binabayarang buwis ng mga bilyonaryo sa 1% hanggang 3% sa kanilang bilyun-bilyong yaman.

Sa kanilang panukala, kailangang magbayad ang mga bilyonaro ng 1% na buwis sa kanilang P1 billion assets, 2% na buwis sa P2 billion na yaman at 3% na buwis naman sa higit P3 billion assets.

Ang mga makokolektang pondo mula sa naturang buwis ay gagamitin sa mga social services gaya ng health programs at ilang programa para sa mga mahihirap.

Ngunit, hindi sang-ayon sa naturang panukala si Finance Secretary Carlos Dominguez III.

Ayon kay Domiguez, ang pagpapataw ng mas mataas na buwis sa mga bilyonaryo ay magtataboy lamang ng capital sa ating bansa.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *