Dahil sa labis na kalasingan: Lalaki sa China, nalunok ang susi ng kanyang bahay

Guangdong, CHINA— May kasabihan na ang alak, ilagay lamang sa tiyan at hindi sa utak. Pwede rin ang mag lasing pero palaging mag tira, upang hindi gaanong mawala sa sistema.

Salungat iyan sa ginawa ng isang lalaki sa Guangdong Province sa bansang China matapos itong magpakalasing ng sobra at umabot sa puntong hindi na alam ang kanyang nagawa.

Matapos kasing makipag inuman sakanyang mga ka-trabaho ang lalaking kinilala sa pangalang “Chang”, nakaramdam siya ng matinding pananakit ng dibdib at tiyan kinaumagahan.

Nag magpasuri sa doktor at isailalim sa x-ray, dito natuklasan ang isang foreign object ang nakabara sakanyang esophagus.

Dahil dito, isinailalim siya sa isang operasyon kung saan matagumpay na nakuha ng mga doktor ang nalunok niyang susi sakanyang bahay.

Buong akala umano ni Chang, naiwala niya ang kanyang susi sa sobrang kalasingan pero hindi siya nagmalay na nalunok na niya ito.

Agad namang nakarekober sa operasyon si Chang habang wala namang organs sa loob ng kanyang sistema ang naapektuhan ng naturang insidente.### JUMEL DELA ROSA, BNFM Bicol

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *