Higit 88,000 na mga kabataan target sa COVID 19 vaccination sa So.Cot

KORONADAL CITY- UMABOT sa 88,385 na mga kabataan may edad 12 hanggang 17-anyos ang target na mabakunahan laban sa COVID 19 sa lalawigan ng South Cotabato.

Ito ay batay sa datos ng Integrated Provincial Health Office o IPHO mula sa iba’t ibang mga local government units.
Pinakamarami sa mga babakunahan ay nasa Koronadal City na umabot sa 20,937.

Sa IPHO daily vaccine inventory noong November 4, nakatanggap na ng unang dose ng Pfizer o Moderna vaccines ang 916 na mga minors kung saan 104 sa mga ito ang may comorbidities habang 812 naman ang walang anumang medical condition.

Sinimulan na rin ang vaccination sa lahat ng pediatric population na isinasagawa sa iba’t ibang mga vaccination sites habang nagpapatuloy ang pamamakuna sa mga may comorbidities sa South Cotabato Provincial Hospital.

Ayon kay disease surveillance officer Celia Lorenzo na dalawa lamang sa mga kabataang unang nakatanggap ng bakuna ang nakaranas ng side effects o mild adverse event following immunization o AEFI ngunit ito ay agad namang na-managed at pinauwi rin ang mga bata pagkatapos obserbahan at bumuti ang kanilang pakiramdam.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *