Dalawang bangkay natagpuan sa loob ng container van sa Thailand

Kinumpirma ng Philippine Ports Authority ang ulat sa Thailand na isang container van sa Pilipinas ang may laman na dalawang bangkay ng tao.

Sa isang panayam , sinabi ni South Harbor Port acting manager Catherine Esto, na ipinag-utos agad ni PPA Manager Atty. Jay Santiago na imbestigahan ito.

Sa ulat sa Thailand, October 2 nang dumating sa kanilang bansa ang container van.

Ang mga natagpuang katawan ay isang lalaki at isang babae na nakasuot ng itim na t-shirt na may nakasulat na “Alpha Kappa Rho, Vincit Omnia Veritas.”

Sinabi ni Esto na natunton na galing ng port of Manila ang container na deklaradong walang laman.

Nakikipag-ugnayan na ang PPA sa Bureau of Customs tungkol sa isndiente dahil ang ansabing ahensiya ang namamahala sa inspeksyon ng cargo na lumalabas ng Pilipinas.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *