Cause of death ng Grade 5 student sa Antipolo, posibleng walang kinalaman sa pagsampal ng Guro ayon sa isang forensic pathologist

Posibleng walang kinalaman sa pagkamatay ng grade 5 student sa Antipolo City ang sinasabing pagsampal dito ng kanyang guro, ayon sa isang Forensic Pathologist.

Sa panayam ng Brigada News FM, kay Dr. Raquel Fortun kilalang Forensic Pathologist sa bansa, hindi aniya kumpleto ang mga detalye sa inilabas na death certificate ng biktimang si Francis Jay Gumikib kung ano ba ang naging cause of death nito.

Dagdag pa ni Fortun, may mga tinutkoy na “contributing cause” ng pagkamatay ni Gumikib kagaya ng presumptive pulmonary tuberculosis at child abuse na pinaniniwalaang ang pagsampal dito ngunit hindi direktang tinukoy.

Kung maalala, base sa death certificate ay global brain edema, na may antecedent na sanhi ng acute intraparenchymal hemorrhage o pagdurugo sa utak ang ikinamatay ng bata habang hinihiling naman ng Doktor na sana well trained pathologist talaga ang nagsagwa ang autopsy para mas maging malinaw ang detalye lalo’t gagamitin ito sa korte.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *