Dalawang endangered na unggoy – nasagip ng DENR sa Caloocan City

Nailigtas ng mga tauhan ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) ang dalawang Philippine long-tailed Macaque [MA-KAK] – isang uri ng endangered na lahi ng unggoy na inalagaan ng isang residente sa Caloocan City.

Ayon sa DENR, umabot na sa apat na taon ang pamamalagi ng naturang mga unggoy sa lugar.

Kusa namang isinuko ng hindi na pinangalanang may-ari ang nabanggit na mga unggoy matapos ang negosasyon at pagpapaliwanag sa RA 9147 o Wildlife Resources Conservation and Protection Act.

Hawak na ngayon ng Biodiversity Management Bureau – Wildlife Rescue Center sa Quezon City ang dalawang unggoy para pansamantalang alagaan bago ibalik sa kagubatan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *