Street buskers – bawal muna sa Baguio City

Ipinagbabawal muna ang mga street buskers sa Session Road sa Baguio City dahil sa hindi mga rehistradong artists.

Ang busking ay isang daan para iparinig ng isang nagsisimula pa lamang na musician ang kanilang talento sa kalye at upang kumita mula sa mag-aabot ng kahit magkano bilang suporta.

Nais ng lokal na pamahalaan na repasuhin ang implementing guidelines ng busking activities.

Sa kasalukuyang panuntunan, kailangan munang magparehistro ng mga nais magbusking sa tourism office ng LGU.

Dagdag atraksyon at aliw sa mga turista ang mga nagba-busking sa naturang daan.

Bukod sa ginagawang hanap buhay, malaya nilang inilalahad ang kanilang iba’t ibang talento.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *