Dalawang foreign nationals arestado, isa nakatakas sa kaso ng hold-up incident sa QC

Dalawang Indian nationals na suspek sa hold-up incident sa Quezon City ang arestado ng mga awtoridad.

Kinilala ang mga suspek na sina as Dewinder Pal Singh Dhaliwal, 39 years old; ar Manjeet Singh Hansra, 41 years old, parehong residente ng Brgy. 184, Caloocan City.

Habang ang ikatlong suspek na kinilalang si Ranjodh Singh Bhullar, ang nananatiling at large at pinaghahanap ngayon ng pulisya.

Ayon sa ulat, nangyari ang insidente noong Huwebes sa kahabaan ng Airforce Road, Brgy. Holy Spirit, Quezon City.

Ang mga biktima habang sakay ng kanilang motorsiklo ay nakorner ng tatlong suspek na sakay din ng dalawang motor saka nagdeklara ng hold-up.

Binangga ng mga biktima ang motorsiklo ng mga suspek at sumigaw ng tulong na nagresulta pag-aresto kay Dhaliwal.

Ang suspek naman na si Hansra ay naaresto sa follow up operations ng pulisya.

Nakumpiska ng pulisya sa mga suspek ang mga baril at pampasabog maging ang motorsiklong ginamit ng mga ito.

Nahaharap na ngayon sa patong-patong na kaso ang mga nabanggit na suspek.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *