Roll-out ng tulong para sa mga rice retailers na apektado ng price cap – lumarga na

Hindi nakasama ang City of Manila sa unang apat na lungsod sa Metro Manila na dapat ay mapagkakalooban ng subsidiya para mga rice retailers.

Ayon kay DSWD Sec. Rex Gatchalian, tatlong siyudad pa lang ang mababahagihan ng subsidiya dahil fina-finalize pa ng Department of Trade and Industry ang listahan ng mga nagtitinda ng bigas sa rehiyon.

Ngayong araw, sisimulan ang pagbibigay ng tulong sa mga retailers sa Caloocan City, Quezon City, at San Juan City, at City of Manila.

Samantala, una nang sinabi ni Gatchalian na P15,000 ang paunang halaga na iaabot nila, pero inutusan aniya ni Pangulong Bongbong Marcos ang DSWD at DTI na mag-calibrate pa upang malaman kung kulang pa ang naturang halaga.

Sa huli, binigyang-diin ng opisyal na pinahahalagahan ng pamahalaan ang kapakanan ng mg MSMEs, kaya target talaga ng gobyernong matulungan ang nasabing sektor.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *