Dalawang lalaking balyena, namataang nagtatalik

Dalawang Humpback whale ang namataan sa karagatan ng Pacific Ocean malapit sa Maui, Hawaii, na kung saan ay mayroong hindi pangkaraniwang ginagawa.

Dahil ang dalawa umano ay nagtatalik sa kabila ng pagkakapareho ng kasarian nito.

Ang litrato ng nasabing humpback ay kuha nina Lyle Krannichfeld at Brandi Romano na parehong mga scientist habang naglalayag, sakay ng isang bangka sa nasabing lugar.

Sa unang pagkakataon ay naidokumento ang pambihirang kaganapan na kung saan ay kanila ring napatunayan na  magkapareho ito ng kasarian.

Ayon sa ulat ng Scientific American, humigit-kumulang labing tatlong taong gulang ang Whale A, habang ang Whale B ay humigit-kumulang tatlumpong taong gulang.

Sa 30 minutong pag-oobserba nina Lyle at Brandi, nakitang si whale B ay lumapit sa likuran ni Whale A na kung saan ay may iniindang karamdaman base sa mga sugat nito at payat na pangangatawan.

Samantala, ayon sa isang pag-aaral noong Oktubre 2023 na inilathala sa journal Nature, ang sekswal na aktibidad ng parehong kasarian ay naobserbahan sa higit sa 1,500 species ng mga hayop. ### MITZI LOMERIO, Intern

Image: Lyle Krannichfeld and Brandi Romano

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *