Dating konsehal ng Pili, Camarines Sur pinagbabaril-patay

CAMARINES SUR- Pinagbabaril-patay ng riding in tandem ang dating konsehal at kumandidatong vice mayor ng Pili, Camarines Sur na si Rudel Divinagracia o mas kilala sa tawag ba “Pay Rudel” sa Barangay Cadlan bandang alas-9 Sabado ng gabi Nov. 20, 2022.

Sa ulat ng PNP Pili , kararating lamang ni Divinagracia sa kaniyang apartment  galing sa inter-town basketball nang pagbabarilin umano ng riding in tandem sa Jeremiah Street.

Dinala sa isang pribadong ospital  sa Naga si Divinagracia pero 9:10PM nang ideklara itong dead on arrival ng sumuring doktor.

Nagtamo ng mga tama sa katawan ang dating opisyal , isa rito ay sa may leeg ayon kay PCol. Julius Cezar Domingo, Provincial Director ng PNP Camarines Sur.

Ayon kay PMaj. Maria Victoria Abalaing, taga pagsalita ng CSPPO nagpapatuloy ang imbestigasyon ng pulisya, may mga CCTV footages silang nakuha, naka full faced helmet ang mga suspek kaya naghahanap pa ng iba pang kuha ng CCTV. Inaalam pa ang motibo sa pamamaslang.

Nag paabot ng pakikiramay ang mga kakilala ng opisyal at mga nasilbihan sa Pili noong siya ay nasa konseho ng bayan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *