Dating pulis na isinasangkot sa pagkawala ni Catherine Camilon, ikinulong sa Senado

Ikinulong sa Senado ang dating pulis na sinasabing karelasyon ng nawawalang beauty queen na si Catherine Camilon.

Ang pagkulong kay dating Police Major Allan de Castro ay nangyari matapos siyang ma-cite in contempt dahil sa umano’y pagsisinungaling sa pagdinig ng Senado.

Diretsahang tinanong ni Senador Ronald Bato Dela Rosa si De Castro kung totoo bang girlfriend niya ang nawawalang beauty queen, subalit mariin niya itong itinanggi.

Pinanindigan naman ng NBI at PNP ang resulta ng kanilang imbestigasyon na nagpapakita na talagang may relasyon ang suspek at ang nawawalang beauty queen.

Ayon sa mga ito, hawak nila ang affidavit ng malapit na kaibigan ni Catherine, na isa ring incumbent councilor sa isang bayan sa Panggasinan – na nagpapatunay na magkasintahan ang dalawa.

May mga larawan ding hawak ang mga otoridad na nagpapakita na magiliw sa isa’t isa ang suspek at ang biktima.

Sa huli, nagmosyon si Senador Robin Padilla na i-cite in contempt si De Castro na inaprubhan naman ng Committee on Public Order and Dangerous Drugs at Committee on Justice and Human Rights.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *