Albay Veterinary Office, nilinaw na walang koneksyon ang summer season sa pagiging active at pagtaas ng kaso ng rabies

LEGAZPI CITY – Binigyang-linaw ng Albay Veterinary Office na walang kinalaman ang panahon ng tag-init sa pagiging agresibo at pangangagat ng mga hayop.

Sa panayam ng Brigada News FM Legazpi kay Dr. Manny Victorino, Head of Animal Health and Regulatory Division ng nasabing tanggapan, sinabi nito na walang pinipiling panahon at oras ang pagtama ng rabies virus sa mga tao at posible rin itong ma-transmit sa pagitan ng mga galang aso at pusa sa kalsada.

Hinihikayat naman ng tanggapan ang publiko na pabakunahan ang mga alagang hayop laban sa rabies virus upang tulayan nang mapuksa ang paglaganap nito sa lalawigan.

Samantala, patuloy naman umano ang mga programa at aktibidad na isinasagawa ng kanilang tanggapan katulad ng libreng bakuna laban sa rabies sa mga bawat barangay.

Dagdag pa ni Victorino, ang rabies ay nariyan lamang kaya ang pinakamainam na safety measure ay ang pagiging responsableng pet owner. | Brigada Intern HANNAH JAMILA BITAGO

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *