Dating sikat na boksingero, nagnakaw ng sirang bisikleta pambili ng alak sa Cebu

Himas-rehas ang isang dating sikat na Cebuano boxer matapos umanong magnakaw ng sirang bisiklita sa Lawis, barangay Pasil, sa lungsod ng Cebu.

Kinilala ang suspek na si Isagani “Little Guns” Calumpang Pumar, 49 anyos.

Una nito, sinasabing nagtaka ang biktima na si Rodrigo Umpad, residente ng Pasil, Cebu City na nawala ang kaniyang bisiklita na ipinarada sa harap ng kanilang pintuan.

Nang tiningnan ang CCTV – nakita nila na kinuha pala ito ng suspek nang walang paalam sa kaniya.

Kaya nang matimbrehan na muling bumalik si Pumar sa lugar, hinuli ito sa pamamagitan ng citizens arrest.

Depensa naman ni Pumar, na kinuha niya ang ang naturang bisiklita sa pag-aakala na ito ay sira na dahil plano niya sana itong ibenta pambili ng alak.

Plano ngayon ni Pumar na mag-coach ng aspiring boxer kung sakaling may kukuha man sa kanya upang magkaroon ng matinong trabaho at ito ay mangyari lamang pagkatapos ang dalawang buwang sestensya sa kanyang pagnanakaw.

Nalaman na isang dating professional boxer si Pumar kung saan nagsimula ang kanyang boxing career noong 1990 at maka-ilang beses na rin itong nakapaglaro sa Amerika.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *