Dating ‘tulak’ muling naaresto sa buy-bust ops

SORSOGON CITY – Balik-kulungan ang isang dating drug pusher matapos mapatunayang muling sangkot sa kalakaran ng iligal na droga.

Nakilala ang pangunahing target ng buy-bust operation na si Julius Cesar Bontigao Ducay alias ‘Seven’ 24-anyos, binata at naninirahan sa Garcia Cpd, Brgy Bibincahan lungsod ng Sorsogon.

Ginanap ang anti-illegal drug operations dakong alas 11:00 ng umaga, Mayo 19 sa harapan ng isang pharmacy sa Brgy Polvorista lungsod ng Sorsogon.

Nasamsam mula dito ang isang medium size na ziplock na may lamang hinihinalang tuyong dahon ng Marijuana.

Si alyas ‘Seven ay dati nang nadakip sa parehong operasyon noong 2019. Nakalaya ito noong Hunyo 24, 2020 matapos pagsilbihan ang kanyang sentensiya.

Muling isinailalim ito sa surveillance ng City Drug Enforcement Unit (CDEU) dahil sa muling pagbabalik nito sa pagtutulak ng iligal na droga.

Muling mahaharap ang suspek sa kasong paglabag sa RA 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *