Department of Finance, positibong maaabot ang P100B dividends mula sa mga GOCCs bago matapos ang taon

Positibo ang Department of Finance na kayang maabot ng mga Government Owned and Controlled Operations o GOCCs ang 100 billion dividends bago matapos ang taon.

Sa kanyang opening remarks sa GOCC day sa PICC, iniulat ni Finance Secretary Ralph Recto na as of May 06, umabot na sa 88.6 billion pesos ang total dividend collection mula sa mga GOCC.

Labingisang beses na mas malaki ito kumpara sa halos 8 billion pesos na naitala sa kaparehong panahon noong nakaraang taon.

Kinilala ni Recto ang malaking kontribusyon ng mga GOCC sa dagdag kita ng pamahalaan, kung kaya’t nakakalikom ng mas malaking pondo na hindi nangangailangan na magpataw ng karagdagang buwis sa mga mamamayan.

Nakakatulong rin anya ito para pigilan ang deficit at pondohan ang mga priority programs ng Pangulo.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *