Permit process sa mga infra flagship projects ng pamahalaan, pinasisimplehan ni PBBM

Ipinag-utos ni Pangulong Bongbong Marcos na simplehan at pabilisin ang permitting process ng mga infrastracture flagship project o IFPs ng pamahalaan.

Ito ang laman ng Executive Order number 59 na inilabas ng Palasyo at pirmado ni Executive Secretary Lucas Bersamin nitong April 30.

Sa apat na pahinang EO59, nakasaad ang pangangailangang padaliin ang proseso para sa issuances ng kinakailangang licenses, clearances, permits, certification, o authorizations required sa mga approved na IFPs.

Ayon kay Pangulong Marcos, nasa 185 ang IFPs na approved ng National Economic and Development Authority o NEDA.

Nakasaad rin sa section 2 ng EO59 na wala nang ibang national o local permit, clearances na kinakailangan para sa construction, installation, repair, operation o maintenance ng mga IFPs, maliban sa Environmental Compliance Certificate, building permit o occupational permit, at excavation permit.

Sakop ng EO59 ang lahat ng National Government Agencies, kasama ang government owned and controlled corporation, iba pang government instrumentalities at LGU.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *