DEPED dos regional invitational sporting event, aarangkada sa Cauayan City sa April 25-28, 2022

Gagaganapin sa Lunsod ng Cauayan sa darating na April 25-28, 2022 ang kauna-unahang DepEd Dos Regional Invitational Sporting Event mula nang magkaroon ng pandemya.

Ito ang kinumpirma ni Schools Division Superintendent Dr. Alfredo Gumaru Jr. sa naging panayam ng 92.9 Brigada News FM Cauayan.

Aniya, counterpart umano ito ng nakagawiang CAVRAA meet taun-taon ngunit dahil hindi pa pinapayagan ng DepEd Central office ang regular meet ay binuo na lamang ang DepEd R.I.S.E.

Sa April 23-24 aniya darating sa lunsod ang mga kalahok mula sa Division ng Cagayan, Batanes, Nueva Vizcaya, Quirino, Tuguegarao, Santiago City at City of Ilagan.

Dagdag pa ni SDS Gumarum mayroon nang mga paaralan sa lunsod ang pinayagan ng LGU-Cauayan City na magsilbing quarters ng mga manlalaro mula sa ibang probinsya at bayan sa rehiyon.

Isa umano sa hamon dito ay ang layo ng quarters ng mga manlalaro sa Cauayan City Sports Complex na magiging venue nito.

Sa ngayon ay kasalukyan na ang 3-day City Meet Try-out ng mga manlalaro sa lunsod ng Cauayan kung saan ang mga mapipili rito ang siyang kakatawan sa siyudad.

Nakatada naman sa  Lunes ang practice at collaboration ng mga manlalaro sa siyudad upang maging handa ang mga ito sa nalalapit na sporting event.

Nilinaw naman ni Dr. Gumaru na tanging mga estudyante sa sekondarya lamang ang lalahok sa aktibidad kung saan karamihan sa mga ito ay fully vaccinated na.

Limitado naman sa non-contact sports maliban na lamang sa basketball ang pinayagang laruin sa DepEd R.I.S.E.

Bagaman bukas sa publiko ang nasabing aktibidad ay kinakailangan umano limitahan ang kapasidad ng venue upang matiyak pa rin ang kaligtasan ng mga manlalaro at masunod ang umiiral na health protocols.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *