SORINTRAFED, tinutulan ang terminal fee na nais ng SITEX

SORSOGON CITY – Tinutulan ng Sorsogon Integrated Transport Federation (SORINTRAFED) ang mataas na halagang nais singilin ng Sorsogon Integrated Terminal Exchange (SITEX) sa nasabing grupo bilang terminal fee.

Sa pahayag sa Brigada News ni SORINTRAFED President Ramon Dealca, sinabi nito na nais kasi ng pamunuan ng nasabing terminal na katumbas ng nakatalaang pamasahe ng ruta ang sisingilin sa mga tsuper sa bawat pagbiyahe o alis nito sa nasabing terminal.

Ito umano ay lubhang mabigat para sa kanilang hanay, lalo pa at hindi pa naman umano 100% ang pinapayagang capacity ng mga pasahero na nangangahulugan ng maliit at mababa pa rin nilang kita.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *