DepEd pinaalalahanan ang mga guro na manatili lang muna sa bahay at iwasan ang pagala- gala

CAMARINES NORTE- Work from home muna ang mga guro sa loob ng dalawang Linggo simula ngayong araw ng Lunes May 10 hanggang May 23.

Kasunod yan ng ipinalabas na kautusan ng Provincial Incident Management Team na nagsususpinde sa mga klase sa loob ng dalawang linggo dahil sa banta ng COVID- 19.

Kaugnay nito, pinaalalahanan ni Schools Division Superintendent Nympa Guemo ang mga guro na iwasan muna ang pagala at pagpunta sa kung saan- saan lalo na ang pag- swimming na ipino- post pa sa social media.

Sabi ni Guemo, inaasahan niya na sa loob ng dalawang Linggo ay nasa bahay lamang ang mga guro at ginagawa ang mga dapat gawin.

Wala rin munang home  visitation, pamamahagi at pagkuha ng learning materials.

Ang mga school heads naman at ang non- teaching personnel ay kailangang sundin ang approved Alternative Work Arrangement (AWA) para ngayong buwan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *