DepEd Sorsogon magkakaroon na ng extension office sa bayan ng Irosin

Maglalagay na ng extension office ang Department of Education (DepEd) Sorsogon sa Irosin National Agencies Center and Terminal o INACT.

Ang nasabing opisina na planong buksan sa Setyembre 22, 2023 ay inisyatiba ng Lokal na Pamahalaan ng Irosin sa pakikipagtulungan sa DepEd Sorsogon.

Layon nito na mailapit hindi lamang sa mga residente ng  Irosin kundi maging sa kalapit na mga bayan nito tulad ng Juban, Bulan, Matnog, Bulusan at Sta. Magdalena ang mga serbisyo ng nasabing tanggapan na inaasahang malaking kaginhawaan sa mga ito dahil hindi na nila kailangan pang magtungo sa Lungsod ng Sorsogon  para sa kanilang mga transaksyon sa DepEd.

Ang lugar na pagtatayuan ng nasabing tanggapan ay binisita na rin nina Schools Division Superintendent William Gando, CESO VI,  Division Project Development Officer Randy Huerto at ng LGU Irosin.

PHOTO: IrosinInfo News

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *