Higit 40-katao nasawi habang lampas naman sa 50 ang sugatan, matapos pasabugin ang palengke sa Sudan

SUMAMPA sa mahigit 40 na katao ang nasawi habang aabot naman sa lampas 50 na katao ang sugatan matapos atakehin at pasabugin ng drone ang pamilihan sa Southern Khartoum ng Sudan nitong Linggo.

Patuloy kasi na binabalot ng tensyon ang bansa nito dahil sa digmaan ng paramilitary Rapid Support Forces kontra sa kanilang militar simula pa noong kalagitnaan ng Abril.

Itinuturing ng Médecins Sans Frontières (MSF), isang medical humanitarian organization na na isang carnage o kahindik-hindik na patayan ang insidenteng ito, matapos nilang pagsasalbahin ang buhay ng mga biktimang nalasog-lasog ang katawan dulot ng pagsabog.

Sa naitang bilang ng United Nations, aabot na sa higit 4,000 na indibdwal ang napaslang habang tinatatayang 1.7 milyon na katao ang nawalan ng sariling tirahan sa nasambit na bakbakan.

Samantala, nanawagan naman si Clementine Nkweta-Salami,  ang U.N. humanitarian coordinator ng Sudan, na itigil na ang giyera nang makapagbigay sila suplay ng pagkain at medisina para sa mga biktimang nangangailangan nito. ###Johnoah Mae A. Zepeda, Intern

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *