Detalye ng pagsakay ni Jovelyn Galleno, hindi na umano masyadong maalala ng multicab driver

Nagkwento sa Brigada ang drayber ng multicab na umano’y nasakyan ni Jovelyn Galleno bago ito naiulat na nawawala.

Ayon sa driver na alyas “Johnson”, inimbestigahan na siya ng pulisya tungkol sa pagpapasakay niya sa dalaga noong August 5, 2022.

Aniya, bumibyahe siya ng barangay Sta. Lourdes at Bgy. Tagburos pero hindi niya maalala kung isa si Jovelyn sa eksakto niyang naisakay noong hapon na iyon dahil sa abala siya sa pagmamaneho.

Hindi niya rin daw makumpirma kung saan eksaktong naibaba ang “naka- orange” na pasahero hanggang sa huminto siya sa Tagburos.

Giit pa niya, isang Linggo na kasi ang lumipas bago pa makipag-ugnayan sa kanya ang awtoridad kaya hindi niya na masyadong maalala ang tungkol sa mga naging pasahero.

Samantala, malinis umano ang konsensya niya na walang kinalaman sa pagkawala ng dalaga.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *