DFA, handang humarap sa ICC probe kaugnay sa war on drugs kung kinakailangan

Handa ang Department of Foreign Affairs (DFA) na maging kinatawan ng Pilipinas sa International Criminal Court (ICC) kung kinakailangan, sa harap ng muling pagbubukas sa imbestigasyon kaugnay sa war on drugs ng bansa.

Pero ayon kay DFA spokesperson Teresita Daza, hindi pa nila natatanggap ang opisyal na kopya ng desisyon mula sa Pre-Trial Chamber (PTC) ng International Criminal Court, pero ipinapaubaya umano nila ito sa Department of Justice at sa Office of the Solicitor General para sa kaukulang hakbang o paraan para sa anumang legal o procedural issues.

Mababatid na si dating Pangulong Rodrigo Duterte at dating Philippine National Police chief at incumbent Senator Ronald “Bato” Dela Rosa ang inaakusahan ng crimes against humanity dahil sa extrajudicial killings na may kaugnayan sa war on drugs, nang ilunsad ito noong 2016.

Matatandaan na noong September 2021, sinimulan ng ICC ang kanilang imbestigasyon kaugnay sa mga pagpatay, pero nasuspende ng dalawang buwan dahil sa hiling ng gobyerno.

Batay sa human rights groups, ang death toll sa drug war ay lampas sa 20,000, pero sa datos ng gobyerno, lumalabas na 6,248 lang ang drug war – related deaths as of April 30, 2022.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *