DILG Sec. Abalos – binisita ang pinag-aagawang Makati Park and Garden

Binisita ni Department of the Interior and Local Government (DILG) Sec. Benhur Abalos ang pinag-aagawan ng lungsod ng Makati at Taguig na Makati Park and Garden.

Ayon kay Abalos, nais nitong tiyakin na walang kaguluhan sa lugar matapos ipinasara ng Taguig ang naturang parke.

Kinausap ng kalihim ang dalawang panig at pinagsabihan na panatilihin ang kapayapaan.

Maaalalang, nagpaskil ang Taguig LGU na walang permit ang nasabing park kaya pansamantalang isinara.

Sinabi ni Abalos na nagtalaga siya ng mga tauhan ng Philippine National Police para tiyakin ang seguridad.

Pupulungin din ng opisyal ang dalawang alkalde ng parehong LGU para mahanapan ng solusyon ang naturang isyu.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *