DMW nakahanda na ang fact-finding team upang makatulong laban sa illegal recruitment ng mga Pilipino sa Italy

Ipapadala sa Italy ang fact-finding team para tumulong sa imbestigasyon sa napaulat na illegal recruitment ng mga Pilipino doon.

Batay sa ulat, nanghihingi umano ng 1,500 euro hanggang 4,000 euro o 90K hanggang 240K pesos sa mga Pilipinong naghahanap ng trabaho sa Italya.

Ayon kay DMW officer-in-charge Undersecretary Hans Leo Cacdac, final briefing na lamang ang gagawin bago ang kanilang deployment.

Aniya, layunin ng kanilang grupo na alamin at tumulong sa pagsisiyasat sa talamak na napaulat na illegal recruitment sa Italy.

Kasama sa susuriin ng fact-finding team, ang dalawang kumpanya na sinasabing pagmamay-ari pa nga raw ng mga Pilipino.

Mahaharap sa mga kasong large scale at syndicated illegal recruitment at estafa kung mapapatunayang nagkasala ang dalawang kumpanya.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *