DNA samples mula sa crime scene ng Pamplona massacre, nag-match sa 4 suspects

Nag-match ang mga DNA samples na nakuha sa crime scene sa pagpatay kay Negros Oriental Governor Roel Degamo sa apat na mga suspek na nasa kustodiya ng mga pulis.

Ayon sa abogado ng pamilya Degamo na si Atty. Levito Baligod, nag-match ang mga samples kina Eulogia Gonyon Jr., Winrich Isturis, Osmundo Rivero, at Rogelio Antipolo Jr.

Paliwanag pa nito, kumuha ng specimen ang mga imbestigador mula sa vehicle na ginamit ng mga shooters, at bloodstains na naiwan sa compound ni Gov. Degamo.

Ani Baligod, gaya ng sinasabi nila noon na kahit na mag-recant ang mga namaril sa kaso, kaya pa rin nilang magpatuloy sa kaso.

Naisumite na ng National Bureau of Investigation (NBI) ang naturang DNA analysis bilang ebidensya.

Samantala, nananatili pa rin sa labas ng bansa si Negros Oriental Representative Arnolfo “Arnie” Teves Jr. dahil sa pangambang banta sa kanyang kaligtasan sa sandaling umuwi ito ng Pilipinas. //SM, edited MHEL PACIA

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *