390k doses ng bivalent jabs mula sa COVAX facility, dumating na sa PH

Dumating na sa bansa ang 390,000 doses ng bivalent Covid-19 vaccines mula sa COVAX Facility.

Ayon kay Department of Health (DOH) Secretary Dr. Teodoro “Ted” Herbosa, na ang naturang mga bakuna ay donasyon at hindi binili.

Ipaprayoridad ng DOH ang pagbibigay ng bivalent vaccines bilang ikatlong booster jabs sa mga elderly population, people with comorbidities, at healthcare workers.

Karamihan sa bakuna ay ipamamahagi sa Metro Manila, habang kasalukuyan din na nakikipagnegosasyon ang pamahalaan para makakuha ng mas marami pang bakuna dahil ang nakuhang bilang ng Pilipinas ay hindi sasapat sa buong bansa.

Samantala, ibinahagi ni Herbosa na nagkakaroon ng ‘snags and issues’ pagdating sa pag-procure ng bakuna, dahil ni-lift na ng World Health Organization (WHO) ang public health emergency status ng Covid-19.

Para makakuha umano ng vaccine, kailangan munang mairehistro ito sa Food and Drug Administration. //SM, edited MHEL PACIA

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *