DOE, sumagot sa paratang ng isang Mambabatas na useless ang Oil Deregulation Act

Sinagot ng Department of Energy (DOE) sa pamamagitan ni Atty. Rino Abad, Director ng DOE Oil Industry Management Bureau ang pagtawag ng isang mambabatas na “useless law” ang Oil Industry Deregulation Act.

Sa panayam ng Brigada kay Atty Abad, nilinaw nito sa publiko ang iminamandato ng Republic Act (RA) No.8479 o Downstream Oil Industry Deregulation Act of 1998.

Dagdag pa ni Abad, ang pagbasura sa RA 8479 kagaya ng iminumungkahe ni ACT-CIS party-list representative Erwin Tulfo ay malaking usapin na aniya ay tanging ang congress o ang pangulo na lamang ang magdedesisyon kung nararapat bang ipatupad ang batas o tuluyan ng ibasura.

Kung maalala, naungkat ang usapain sa Oil Deregulation Law dahil sa sunod-sunod na pagtaas ng presyo produktong petrol na ipinanawagan din ng transport group na PISTON sa kanilang nakalipas na protesta ang tuluyan ng pagbasiura dito.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *