DSWD, hinimok ang mga senior citizen na magparehistro sa NCSC database

Hinihimok ngayon ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang mga senior citizens o kamag-anak ng mga ito na magpa-rehistro na sa online registration system ng National Commission on Senior Citizens (NCSC).

Ayon kay DSWD Asst. Secretary Romel Lopez, layunin ng naturang registration na magkaroon ng databate ang NCSC ng mga senior citizen sa bansa.

Ang makukuhang database ng senior citizens sa isinasagawang online registration ay magiging baseline sa mga gagawing patakaran at programa para sa mga nakakatanda.

Para makarehistro ay maaaring bumisita sa opisyal na website ng NCSC na  ncsc.gov.ph.

I-fill out lamang ang online forms at libre ang registration.

Isa rin sa layunin ng registration para maiwasang mabiktima ng mga scammer ang mga lolo at lola na benepisyaryo ng mga programa ng ahensya.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *