DOE, tiniyak na sapat ang supply ng kuryente sa pagsapit ng El Nino sa 2024

Kumpyansa ang Department of Energy na hindi ninipis ang supply ng kuryente sa bansa sa susunod na taon kahit may banta ng matinding El Nino.

Sinabi pa ng DOE kaya naman itong tapat ng supply mula sa transmission projects na inaasahang matatapos sa susunod na taon.

Patuloy na imo-monitor ng DOE ang mga planta ng kuryente para sa biglaang tigil operasyon pagsapit ng tag-init.

Sa datos ng DOE naitala ang pinakamataas na increase sa demand sa kuryente bunsod ng El Nino noong taong 2010 sa Luzon na mas mataas ng 2.5% kumpara noong 2009.

Base naman sa forecast 10.9% o mas mataas pa kaysa noong 2010 ang posibleng maging increase sa power demand sa 2024.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *