Pagdagdag sa bilang ng mga senador isnusulong ni Sen. Padilla

Sa gitna ng mainit na usapin ng Charter Change ng Kamara isinusulong naman ngayon ni Sen. Robin Padilla ang pagbabago sa haba at dami ng termino ng mga opisyal ng bansa.

Bukod sa national Senators na pwedeng magkaroon ng dalawang may tig-walong termino, gusto rin niyang magkaroon ng 30 regional senators na pwede ang tatlong sunod na termino na may tig-aapat na taon.

Pero hindi tulad ngayon na limitado lang sa isang termino, pwede silang tumakbo sa dalawang magkasunod na termino.

Base sa panukala hindi na maaaring tumakbo sa ibang posisyon ang isang Pangulo.

Hanggang tatlong sunod na termino pa rin ang ibang local officials pero may tig-aapat na taon na.

Balak sana itong gawing epektibo sa mga mananalo sa 2028 elections.

Pero para sa transition hindi na pwedeng tumakbo bilang Pangulo ang kasalukuyang at dating mga Pangulo.

Gayundin ang mga Senador at Kongresista na nasahuli na nilang termino.

Ayon naman kay Sen. Koko Pimentel na papayag lang siya sa Cha-Cha kung tututok sa pederalismo at hindi sa pagbubukas ng ekonomiya lalo sa mga dayuhan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *