DOH, hindi inirerekomenda ang home quarantine re: Delta variant

Hindi inirerekomeda ng Department of Health ang home quarantine para sa mga COVID-19 patients, lalo na’t tumataas ang bilang ng mas nakakahawang Delta coronavirus variant.

Ayon kay Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, hindi babaguhin ang quarantine protocols, pero iginiit nito na mas maganda ang facility-based quarantine para pigilan ang pagkalat ng virus sa households.

Mababatid na hindi na rin pinayagan ng lungsod ng Manila ang home quarantine kahit sa mga asymptomatic patients dahil sa pagpasok ng Delta variant.

Sa ngayong kasi dalawang kaso ng pinangangambahang variant ang naitala sa capital region.

Sa kasalukuyan, mayroon nang 35 kaso ng Delta variant ang Pilipinas, kabilang na ang tatlong nasawi at walong active locally acquired cases. // MHEL PACIA-TRINIDAD

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *