DOH, nadetect ang karagdagan pang 1,774 na mga bagong kaso ng Covid-19

Nadetect ng Department of Health (DOH) ang 1,774 na mga bagong kaso ng Covid-19 sa Pilipinas.

Batay sa datos ng DOH, lumalabas na ang active cases nationwide ay nasa 19,267 pa.

Ang Metro Manila naman ay mga pinakamaraming naitalang kaso sa nakalipas na 14 araw sa 3,351, sinundan ng Calabarzon sa 1,984, Western Visayas sa 1,512, Central Luzon sa 1,165, at Central Visayas sa 1,058.

Dahil sa mga bagong infections, sumampa pa ang nationwide caseload sa 4,023,798.

Mula sa naturang bilang ng mga kumpirmadong kaso, 3,940,073 ang kabuoang recoveries at 64,458 ang mga naitalang nasawi.

Sa gitna nito, nagpaalala ang DOH sa publiko na magpabakuna at magpabooster laban sa Covid-19. //MHEL PACIA

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *