DOH sa mga LGU: Paigtingin ang contact tracing at vaccination re: COVID variants transmission sa Bicol

BICOL—Hinimok ng Department of Health (DOH) Bicol ang lahat ng local government units na mas paigtingin pa ang pagsasagawa ng contact tracing sa mga taong nagkaroon ng exposure sa COVID-19 positive.

Ito ay kasunod ng kumpirmasyon ng ahensya na mayroon nang local transmission ng Alpha at Beta variants sa rehiyon matapos na lumabas ang resulta ng 260 samples na ipinadala sa Philippine Genome Center (PGC).

11 Alpha variant ang natukoy o ang coronavirus strain na unang nadetect sa UK habang 22 naman ang Beta variant o ang strain na unang naitala sa South Africa na kapwa mas nakakahawa.

Sa ngayon ay gumaling na ang lahat ng ito pero inihayag ng DOH ang posibilidad na nakapanghawa na ang mga ito bago ang kanilang recovery.

Ito rin ang tinitingnang rason ng ahensya sa pagdami ng kaso ng sakit ngayong taon sa rehiyon.

Maliban sa mas maigting na contact tracing, ay inirekomenda rin ng ahensya ang istriktong implementasyon ng pag quarantine sa mga nagkaroon ng contact sa isang COVID positive at pag isolate sa mga symptomatics o iyong may mga sintomas alinsunod sa Prevention, Detection, Isolation, Treatment, and Reintegration (PDITR) Strategies para sa COVID19.

Kung maaari ay iwasan muna umano ang lahat ng klase ng social gatherings at ipatupad ang mahigpit na border control.

At ang pinakahuli at isa sa pinakamahalaga ay ang mas pinaigting at komprehensibong vaccination rollout sa mga lokalidad alinsunod sa prioritization na itinakda ng National Vaccine Operation Center (NVOC). || SLM

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *