DOJ: Pangto-torture sa mga akusado sa Degamo slay case, gawa-gawa lang

Gawa-gawa lamang daw ang pangto-torture na sinasabi ng mga akusado sa pagpatay kay Negros Oriental Gov. Roel Degamo.

Ito ang sinabi  Justice Sec. Jesus Crispin Remulla, kasunod ng pagbaliktad ng mga akusado sa kanilang mga tetimonya.

Ayon kay Remulla, sa kabila ng pagbawi, malakas pa rin ang kaso laban sa kanila.

Aniya, marami pa silang ebidensiya at mga testigo na makapagdidiin sa kaso gayundin kay Negros Oriental 3rd District Rep. Arnolfo Teves Jr. na sinasabing mastermind sa pagpatay.//CA

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *