DOJ – umapela sa Timor-Leste para sa agarang deportation kay dating Rep. Teves

Hinikayat ng Department of Justice (DOJ) ang gobyerno ng Timor-Leste na agad nang ipa-deport, ‘o ‘di kayang i-extradite si dating Rep. Arnolfo ‘Arnie’ Teves pabalik ng bansa.

Ayon kay Justice Sec. Boying Remulla – kasunod ito ng mga ulat na ‘di umano’y nagtangka ang anak ni Teves na suhulan ang mga pulis doon.

Ang kuwento – mayroon daw bribery atempt para mabigyan siya ng special treatment.

Ayon sa DOJ, nasa dalawang libong dolyar o katumbas ng mahigit isandaang libong piso ang suhol ng anak ni Teves para sa seguridad nito sa loob at labas ng Becora Prison kung saan siya nakapiit habang naghihintay ng kaniyang deportasyon.

Maaalalang na-aresto si Teves habang naggo-golf, pero ‘di pa rin nakababalik ng Pilipinas.
#

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *