Tourism office, pinulong ng LGUs kasunod ng nakawan sa Mapanuepe lake sa Zambales

Pinulong ng lokal na pamahalaan ng San Marcelino sa Zambales ang Municipal Tourism office at mga trail guides at namamahala ng Manapanuepe lake upang pag-usapan ang magiging seguridad sa lugar.

Ito’y kasunod ng insidente ng nakawan sa pangunahing tourist attraction sa Bayan.

Ayon kay San Marcelino Mayor Elmer Soria, dapat ipakita sa mga turista na may disiplina at may respeto ang bawat trail guides.

Pinaiimbestigahan na rin ng alkalde sa PNP ang insidente upang mapanagot ang nasa likod ng nakawan.

Nangako aniya ang PNP na paiigtingin pa nila ang kanilang police visibility sa lugar upang maiwasan maulit muli ang insidente.

Nagpaalala rin ang opisyal sa mga campers at turista na pupunta sa Mapanuebe na ingatan lalo na ang kanilang mga personal na gamit upang maiwasan ang hindi kanais-nais na pangyayari.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *