Door to Door Delivery ng business permits sa Olongapo, pinaplano na ng city government

Pag-aaralan ng city government kung paanong paiiralin sa Olongapo ang door to door delivery ng mga business permits kasunod ng electronic system.

Ito ay sa pamamagitan ng mga courier services na maaring maging kapartner ng LGU para gawing mas maging madali ang application at renewal ng mga negosyo sa lungsod.

Ayon kay Permits and Licensing Officer Sandra Ecalnir, maganda kung matuloy ang plano pero hindi ito magiging madali dahil dadaan pa sa mahabang proseso lalo’t may involve na pribadong kompanya.

Nilinaw rin nito na hindi uubrang ang mga tauhan ng city hall ang magdedeliver nito para makaiwas sa isyu ng pagtanggap ng pabor o suhol mula sa mga negosyante.//Christian Andres-BNFM OLONGAPO

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *