Lalaki sa Espanya, gustong magpakulong na hindi gumagawa ng kahit ano mang krimen

Ano ang ginagawa mo sa tuwing ika’y binabalot ng kalungkutan?

Isang lalaki kasi kamakailan sa Espanya na si Justo Marquez, 60-anyos ang namataan ng mga journalist sa labas ng Alhaurin de la Torre Prison ang  nagsulat at may suot na placard na may mensaheng “Quiero ir a la carcel” na nangangahulugang “Gusto kong makulong.”

Ngunit, napag-alaman na ang labis na kalungkutan ng lalaki ay dulot pala ng kaniyang mga pinagdadaanan na depression, anxiety at mayroon pa umano siyang cancer at sakit sa puso.

Nakiusap na si Marquez sa prizon warden ng isang kulungan ngunit, hindi siya pinapayagan sa kaniyang kusang pagpapakulong.

Naiisip umano kasi ni Marquez na kulungan ang pinakamainam na lugar para sa kaniyang kasalukuyang kalagayan.

Napag-alaman din na minsan nang nakulong si Marquez ng dalawang taon dahil sa iligal na droga noong kabataan pa niya.

Subalit, tatlong dekada na siyang hindi lumalabag sa batas at wala siyang balak na gumawa ng kahit anong krimen dahil sa ayaw niya umanong itakwil at ikahiya ng kaniyang mga anak.

Sa ngayon, patuloy na nakaabang si Marquez sa nasabing kulungan at umaasa pa rin na darating ang araw na makukulong siya rito. ### WENCY LISAY

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *