Senador, patuloy na dinidiin ang China sa kabila ng pagtanggi ng mga ito sa pagkasira ng coral reefs sa WPS

Naniniwala si Senate Special Committee on Philippine Maritime and Admiralty Zones Chaiperson, Senator Francis Tolentino na tinatakasan lang ng China ang responsibilidad nito sa pagkasira ng marine environment at coral reef sa seabed ng Rozul reef at Escoda Shoal.

Ito ay matapos ang inilabas na pahayag ni Chinese Foreign Ministry Spokesperson Mao Ning na walang “factual basis” ang mga akusasyon sa mga ito.

Sa kabila nito, nanindigan si Tolentino na kasalanan ng mga reklamasyon at coral harvesting ng China ang pagkasira ng marine life sa West Philippine Sea.

Samantala, binigyang-diin ni Solicitor General Menardo Guevarra na nagsisimula ang kanilang opisina sa pagsasagawa ng fact-finding at data-gathering tungkol sa nasabing isyu.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *