DOT Bicol, sinigurong malapit nang magkaroon ng international flights ang Bicol Int’l Airport

LEGAZPI CITY – Positibo ang Department of Tourism (DOT) Bicol na malapit nang magkaroon ng international flights ang Bicol International Airport (BIA).

Sa pahayag ni DOT Bicol Regional Director Herbie Aguas, sa ngayon ay tinatrabaho na nila ang mga paraan sa pagkakaroon nito.

Katunayan umano ay nagkaroon na sila ng ilang pagpupulong kasama ang CAAP dahil gusto nilang magbukas na ito sapagkat mabuti ito para sa turismo at sa ekonomiya hindi lamang sa Albay kundi pati na ng buong rehiyon.

Dagdag pa niya, nagnanais ang lunsod ng Maynila na magkaroon ng isa pang airport, at dahil na rin sa malapit ang Albay sa Maynila, anumang oras umano ay magkakaroon dito ng international flight.

Kabila nito’y hindi pa naman masabi ng opisyal kung kailan ang eksaktong araw bubuksan ang international flights dahil mayroon pang mga inaayos katulad ng NGCP tower na siniguro namang mayroong nakalaang budget para rito.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *