Drama sa House leadership, hindi pa tapos – Lagman

Hindi pa raw tapos ang drama sa House leadership.

Ito ang sinabi ni Liberal Party  President at Albay 1st district Rep. Edcel Lagman, at baka raw nagpaplano ng counterattack si Deputy Speaker at Pampanga 2nd district Rep. Gloria Macapagal-Arroyo kay House Speaker Martin Romualdez dahil sa pagkakaalis sa kanya bilang Senior Deputy Speaker ng Kamara.

May pag-aalinlangan din daw si Lagman na tinanggap na lamang ni Arroyo ang kanyang kapalaran sa Kamara matapos ma-demote bilang Deputy Speaker.

Matatandaang nito lamang Lunes, sinamahan pa ni Arroyo na manumpa si Pampanga Rep. Aurelio Gonzales bilang Senior Deputy Speaker.

Kinabukasan, muling nakita si Arroyo sa isa pang oathtaking ng mga bagong miyembro ng Lakas-CMD na pinangunahan ni Romualdez.//CA

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *