Drug trade sa bansa, balik na raw sa pre-Duterte levels

Sinang-ayunan ni Senate Committee on Public Order and Dangerous Drugs Chairperson Senador Ronald Dela Rosa ang obserbasyon ni dating Pangulong Rodrigo Duterte na tila lumalakas ulit ang drug trade sa Pilipinas.

Ayon kay Dela Rosa na kailangan na itong tugunan sa lalong madaling panahon.

Ibinahagi ng senador na base sa mga natatanggap niyang impormasyon ay unti-unti nang bumabalik sa pre-Duterte administration ang sitwasyon ng kalakaran ng ilegal na droga sa bansa.

Kaugnay nito ay sinabi ng senador, na dapat mas paigtingin pa ng Marcos administration ang laban nito kontra ilegal na droga. 

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *