PBBM, ikinagalit ang mga insidente ng data leaks sa mga ahensya ng gobyerno

Inamin ni Department of Information and Communications Technology (DICT) Usec. Jeffery Ian Dy na nagalit si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. dahil sa sunod-sunod na insidente ng data leaks sa mga ahensya ng gobyerno.

Sinabi rin Dy na tumawag si Pangulong Marcos sa ahensya at inatasang maging proaktibo at paigtingin pa ang depensa sa cybersecurity.

Inaalam din ng Pangulo ang technical details at inihayag na dapat paghandaan para mapigilan ang data leaks.

Matatandaan na inisyal na napaulat na nabiktima ng cyberattack ang Philippine Insurance Corp. na nagreulta sa pag-leak ng ilang mga data.

Nabiktima din ng hacking ang Philippine Statistic Authority, Department of Science and Technology, at Philippine National Police.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *