Mga negosyanteng nag-aalok ng substandard products, maaaring ireklamo online

Wala nang ligtas ang mga mag-aalok ng mga substandard products, ayon sa Department of Trade and Industry (DTI) lalo na ngyong nalalapit na Holiday season.

Ito’y matapos na ilunsad ng ng DTI ang Consumer Complaint Assistance and Resolution System na hindi lamang sesentro sa mga hazardous products maging sa kaso ng mga malpractice.

Layon ng ahenysa na mapapabilis na ang paghahain ng reklamo ng mga consumers sa mga depektibong produktong nabibili na nagiging talamak na rin online.

Nabatid na ang nasabing web-based platform ay magiging fully automated na sa paghahain ng mga ipinaparating na reklamo ng mga consumer na base sa DTI mas tumataas ang kasong kanilang natatanggap dahil sa mga naglipanang hindi legit na online sellers.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *